Oil deregulation law

Dear President Noynoy, Magandang araw po mahal na pangulo!

Ako po ay lubos na humahanga sa inyo dahil sa sinceredad nyo na makatulong sa bayan natin lalong lalo na po sa pagsugpo ng graft & corruption. Gusto ko din po sanang makatulong sa inyo at sa bayan. Alam ko pong ganun na lamang ang inyong hangarin upang lalo gumanda ang ating bansa. Nais ko lang pong mag mungkahi sa inyo na sana ay pabilisin nyo ang pag "REVIEW NG OIL DEREGULATION LAW" sa ating bansa dahil sa tingin ko po ito ay isa sa mainam na makatutulong sa mga mahihirap na tao sa ating bansa. Ang Saudi Arabia po ay isa sa pinakamalaki na nag eexport ng langis o gasolina sa ating bansa na kung saan ang presyo po ng gasolina sa kanila (Saudi Arabia) ay 45 halal lamang na kung ihahambing ay mga P5 lang po sa ating pera. Magkagayon, bakit po kaya ang ating langis o gasolina ay "NAPAKAMAHAL" sa ATIN. Masyado na pong kontrolado ng mga pribadong negosyante ang patuloy na pagtaas na petrolyo sa ating bansa.

Kaugnay po nito, kapag ang PAMAHALAAN ay nakialam sa presyo ng langis 0 gasolina sa ating bansa sa tingin ko po ay maiibsan ang WALANG HUMPAY na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa ating bansa. At kapag bumaba po ang presyo ng petrolyo sa bansa kasabay din po ang dahan dahan PAG BABA ng BILIHIN lalong lalo na ang mga basic commodities katulad ng bigas, asukal, sardinas, noodles, isda o maaaring lahat ng pagkain kasama na po dito ang pag BABA DIN ng pamasahe na kung saan ay MABABAWASAN natin ang kahirapan sa ating bansa dahil MALAKING TULONG ANG MAIBIBIGAY NYO sa mga MAHIHIRAP NA TAO sa ating bayan. Ako po ay umaasa sa PAMAHALAAN AT SA INYO mahal na pangulo, na pag susumikapan ninyo pong gawin ang aking mungkahi sapagkat ito ay MAGIGING MAINAM sa NAKAKARAMI sa atin. Nagtitiwala po ako na patuloy ninyong gagawin ang pinakamabuting bagay tungo sa MAGANDANG RESULTA AT PAG ASENSO SA ATING BANSA.

Pagpalain po kayo ng MAYKAPAL!


Lubos na gumagalang, Benjamin Nuevo Cabalde

88.85.227.98 (talk)07:12, 25 October 2011